Mark Carpio Tampuhan Lyrics

Sino nga ba sa’ting dalawa

Ang aamin na mali

O ang tigas walang imik

Naghihintayan sa wala

Lumilipas ang panahon

Nagtitiisan at tahimik

Ang tigas walang imik

Nag hihintayan sa wala

Ano pa ba’ng hinihintay

Ang bukas ay matamlay

Nais na marinig

Ang yo’ng tinig

Kaya’t huwag ka ng mainis sakin

At sana ako ay dinggin

Na huwag ka namang magtampo sana’y

Pansinin mo ang aking lambing

Sana nama’y huwag tiisin

At muli ng ngumiti

Halika na at yakapin

Huwag na sana’ng patagalin

Sa paglipas ng panahon

Lalo lamang lumalalim

Ang pag-ibig ko sa iyo

Sana’y muli pang tanggapin

‘Di na kayang maghintay

Ako’y tumatamlay

Nais ko ng marinig

Ang iyong tinig

Kaya’t huwag ka ng mainis sakin

At sana ako ay dinggin

Na huwag ka namang magtampo sana’y

Pansinin mo ang aking lambing

Kahit na ano pa yan ay handa ko’ng gawin

Makamit ko lang ang tamis ng iyong halik

Hanggang kailan kaya ako maghihintay

Sana ay mayakap kang muli

Kaya’t huwag ka ng mainis sakin

At sana ako ay dinggin

Na huwag ka namang magtampo sana’y

Pansinin mo ang aking lambing

Kaya’t huwag ka ng mainis sakin

At sana ako ay dinggin

Na huwag ka namang magtampo sana’y

Pansinin mo ang aking lambing