Mark Carpio Naghihintay Sayo Lyrics

Muling bumabalik

Mga alaalang nakalipas

Laging ngumingiti

Sa tuwing ika’y biglang naaalala

Ako’y nananabik

Sa bawat sandali na makapiling ka

Ano bang dahilan?

Di maintindihan

Saan nagkamali

itong damdamin ko?

Saan ka naroon?

Bakit ba nagka-ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako’y gulong-gulo

Sana’y maintindihan

ang ngayon ako’y nasasaktan

at iniwan mong naghihintay sayo

Kailan makakamit mga nananatiling panaginip?

Ang iyong pagbabalik

Walang hangganan na paghihintay

At kahit anong sakit

Hindi mapigilan ang damdamin na umaasa

Ano bang dahilan? ‘Di maintindihan

Saan nagkamali itong damdamin ko?

Saan ka naroon?

Bakit ba nagka-ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako’y gulong-gulo

Sana’y maintindihan

ang ngayon ako’y nasasaktan

at iniwan mong naghihintay sayo

Kahit saan tumingin

Larawan mo pa rin ang natatanaw

Dumadalas kahit saan ay

nangangarap na makapiling ka sinta

Bakit ba nagka-ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako’y gulong-gulo

Sana’y maintindihan

ang ngayon ako’y nasasaktan

at iniwan mong naghihintay sayo

Naghihintay

Naghihintay sayo